My Angelika – Part VIII

Lazada PhilippinesPart 8

“Pinagsamantalahan mo ako..”sabi niya na mangiyak-ngiyak na. “Paano na ‘to..??”

“Paula……” ito lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Kumakabog na dibdib ko sa kaba pero nagtataka pa rin.

“Walanghiya ka! Akala ko ay gentleman ka….” Dugtong pa niya sabay tulo ang isang patak ng luha. “Pero hindi pala…”

“Paula…..I’m sorry…” sabi ko. Nakaramdam na ako ng guilt bukod pa sa kaba. Yumuko siya at itinago ang mukha sa pagitan ng mga tuhod niya.

“Nawala ang pagiging gentleman mo..”..dugtong pa uli ni Paula. “Nung makita mo na ang seksing katawan ko…”

Iba ang tono na iyon. Kinutuban na ako. Parang nagdadrama lang siya….

Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya. Pinisil-pisil ko.

“Sori na…”sagot ko. “Hindi ko na po uulitin…”

“Talaga..?”..tanong niya. Alam na niya na bistado ko na na umaarte lang siya kanina.

“Promise..” sagot ko.

“Ayaw mo nang ulitin ‘to..??” malakas na tanong niya sa sabay hinataw sa akin ang isang unan. Nakangiti siya pero may luha talaga.

“Gusto ko…pero ayaw mo na ‘yata, eh..” ngumiti na rin ako. Nababakas ko sa mukha niya ngayon na maligaya siya.

“Natakot ka kanina , ano..?!” sabi niya na parang nag-aasar. “Ang galing kong umakting, di ba?”

“Oo nga, eh.” Sagot ko. “Teka, asan na mga damit natin. Nasa ibaba pa ba?” tanong ko uli. Bumalik ang pag-aalala ko.

Parang natauhan si Paula. Bumangon at kumuha ng bath robe sa closet niya…isinuot. Lalo akong kinabahan dahil kita ko sa mukha niya na kinakabahan siya. Bigla siyang napatigil nang tumunog ang seradura ng pinto. May gustong magbukas kaya lang ay naka-lock.

Sinenyasan ako ni Paula na magtago. Sa gahol ko ay humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Mali! Dapat ay sa ilalim ng kama ako nagtago. Nagkunwari akong tulog…pero nakikinig. May kumatok na nga!

“Ate, pabukas naman….!” Boses ni Angelika! Lagot ako!

“Ate…! Ate!” tawag uli ni Angelika kasabay ng pagkatok. “Gising ka muna..pabukas naman!”

“Sandali lang!” sagot ni Paula at narinig ko na binuksan ang pinto. May pumasok. Si Angelika yan…sugurado ako. Kabadong-kabado ako at napapamura sa isipan ko. Shit! Malaking gulo ito pag nagkataon…!! Shit!

“Ate! Si Marlon ba yan!! Nagkabalikan na pala kayo..??” gulat at takang-taka na sabi ni Angelika.

“Oo nga, eh.” Kaswal lang ang sagot ni Paula. Ayos ah..naisip ko.

“Wala kasi akong kasama kaya dito ko na pinatulog.”patuloy ni Paula na relax lang ang tinig. “Doon daw matutulog si mommy kina Tita.”

Kinakabahan pa rin ako. Pilit kong pinipigil ang mabilis na paghinga ko. Di ako gumagalaw sa pagkakahiga. At nananalangin ako na sana’y di maisip ni Angelika na alisin ang kumot at tingnan kung si Marlon nga ako.

“Ganyan pala kung matulog yan.’’ Pabulong na sabi ni Angelika pero dinig ko pa rin. “Sabi na’y kay Marlon yung damit panlalaki sa salas.”

“Ikaw ate,ha..” si Angelika ulit. “Na-inggit ka sa amin ni Ben, ano? Ngayon ka lang nagpa-tulog dito, ah….”

Di ko na narinig ang mga sumunod na usapan kasi masyadong nang mahihina. Lalo tuloy akong kinabahan. Ano kaya pinag-uusapan nila.

“Matutulog muna ako..”Sabi ni Angelika maya-maya lang. “Wala pa akong tulog, eh”

“Ah, sige…sige na!” mabilis na sagot ni Paula. “Mukha ka ngang zombie, eh”

Narinig ko ang paghiga ni Angelika..ang pagkaluskos ng kumot. Di na muling gumalaw…nakatulog na nga yata..sana nga! May lumabas ng pinto pero bumalik agad. May biglang lumapag sa may unan ko. Mga damit ko pala dahil narinig ko pa ang pamilyar na kalansing ng aking belt buckle. Medyo humumuhupa na ang aking nerbiyos.

Maya-maya pa ay sinenyasan na ako ni Paula.

“Marlon…bangon na…”..wika niya na alam kong ako ang sinasabihan. “Sa CR sa ibaba ka na magbihis, ha..?!”

Sumilip ako mula sa kumot at nakita kong nakahiga si Angelika sa kama niya. Patalikod sa akin. Agad kong kinuha ang mga damit at marahan ngunit mabilis akong lumabas ng pinto. Nakabukas na ito na sa palagay ko ay si Paula ang sadyang nag-iwan na bukas. Sumulyap pa ako kay Paula bago tuluyang lumabas. Kumindat lang siya at lumabas na ako at bumaba.

Dali-dali kong tinungo ang CR sa ibaba. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin na hubo’t hubad. Pagkapasok ay nagbihis agad ako. Pagkalabas ng CR ay naghintay lang ako sandali sa sala. Naghintay kung bababa si Paula. Wala. Di na ako naghintay pa..umalis na ako.

Hindi ko alam kung tama o mali ang ginawa kong pag-alis ng walang paalam. A..ewan….!

Naghahalo ang kaligayahan at kalungkutan sa loob ko.

Kaligayahan sa pagkakaroon ng napakasarap na unang sex. Bukod pa doon ay virgin pa ang na-‘tira’ ko. Isang napakagandang birhen na alam kong napaligaya ko!

Kalungkutan dahil alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko. Mahal na mahal ko si Angelika pero paano na si Paula. Hindi pwedeng bale-walain ko ang nangyari sa amin. Lalong di pwede na pareho ko silang maging kasuyo. (Pwede kung papayag sila, di ba guys?)

Tinawagan ako ni Angelika kinabukasan ng hapon. Nag-usap kami sandali…nagkuwento siya tungkol sa outing nila…at sa palagay ko ay di pa rin niya alam ang nangyari sa amin ng ate niya. Nag-aalala kasi ako na baka ipagtapat ni Paula..close kasi ang magkapatid..at halatang mahal nila ang isa’t isa. Pinapunta niya ako sa kanila dahil miss daw niya ako at wala naman doon ang mommy nila.

Pagdating ko doon ay andoon din ang ate niya. Di kami gaanong nagbatian ng ate niya..nahihiya ako..ewan ko si Paula. Nag-usap kami sandali ni Angelika..humalik siya sa akin pero pansin ko na di gaanong mainit ang halik na iyon..kinabahan ako.

Nag-paalam maya-maya si Angelika na bibili lang ng makakain at hindi pumayag na samahan ko siya kahit pilitin ko. Lalo akong kinabahan. Sumulyap ako kay Paula pero wala naman akong nabakas na pag-aalala sa mukha niya. Nahaluan na ng pagtataka ang kaba ko. (O baka naman napaparanoid lang ako..)

Nang nakalabas na si Angelika ay kinausap ko na si Paula. Sinabi ni Paula na alam na ni Angelika na may nangyari sa amin. Tumawag daw ito nung umaga sa amin para magpasundo sa akin. Gusto daw sana nitong mamasyal muna kami bago siya umuwi. Sayang naman..naisip ko. Natural wala ako sa bahay nung oras na iyon dahil tulog ako sa kama ni Paula. Akala daw nung una ni Paula ay baka may bago na akong trabaho. Pero nagtaka daw ito dahil masyado pang maaga noon.

Kinutuban na daw si Angelika nang makauwi na. Nakita niya ang mga damit namin at nakilala daw nito ang belt ko. (Iyon din kasing belt na iyon ang suot ko nung gabing si Angelika ang kapiling ko). Hindi nagpahalata si Angelika at nakunwari pa raw na naniniwalalng si Marlon nga ako.

“Napansin ko na mangiyak-ngiyak na siya nung sabihin niyang matutulog muna sya”..tuloy ang pagkuwento ni Paula.

“Doon ko nahalata na alam na niya.” Patuloy ni Paula. “Kaya pina-uwi na kita.”

Hindi na raw siya nakasunod sa kin nang bumaba ako dahil humagulgol na si Angelika. Saka lang daw sila nakapag-usap ng husto nung naka-alis na ako.

Natigilan ako pagkatapos magkuwento ni Paula. Parang gusto kong umalis na o maglaho na lang bigla bago pa makabalik si Angelika. Pakiramdam ko ay napaka-pangit ng mukha ko na hindi ko dapat ipakita sa kanya. Di ko rin alam kung ano ang sasabihin kay Paula.

Nagtataka lang ako kung bakit parang kalmado lang si Paula. Tinanong ko kung ano pa napag-usapan nila pero sinabi niya na hintayin na lang namin si Angelika.

Dumating na si Angelika. May dalang pagkain. Ngumiti sa akin ng matamis na ngiti. Napangiti ako at parang nakalimutan ko na may kasalanan ako sa kanya. Dumeretso siya sa kusina. Sinundan ko lang ng tingin.

“Hoy..!” para akong ginising ni Paula. “Mag-sori ka na kaya sa kanya….”

Tumayo ako at sinundan si Angelika sa kusina. Nakatalikod siya at inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Lumapit ako at tumayo sa likod niya. Alanganin ako kung hahawakan ko ba siya o hindi. Lakas loob kong ipinatong ang mga kamy ko sa magkabilang balikat niya.

Ayokong marinig ni Paula ang pagsosori ko kaya gusto ko’y pabulong kong sasabihin kay Angelika.

“Sori, ha…”mahina kong umisa. Pabulong. “Galit ka ba sa ‘kin..?”

“Bakit..?” patay malisya si Angelika. “Sori saan?”

“Sa nangyari sa amin ng ate mo…” sagot ko. “Alam kong alam mo na. Natukso kasi ako….”

Humikbi si Angelika.

“Forgive me..please…” samo ko sabay minasahe ng marahan ang balikat niya. “I love you, Angelika…”

Narinig ko na napa-iyak na si Angelika. Natatangay ako at parang gusto ko na ring umiyak. (Sori sa drama guys. Part of the story..please bear with me, he he) Niyapos ko siya sa bewang. Ginawaran ng banayad na halik sa leeg..

“I love you…” malambing kong sabi. “Miss na miss na kita…..”

“I love you too..” sagot niya sabay napa-iyak na talaga at humikbi-hikbi. “Di ko nga makuhang magalit sa ‘yo, eh…”

Lalong tumindi ang tinitimpi kong pag-iyak. Hinigpitan ko na lang ang yapos. Wala akong masabi. Napakasuwerte ko naman at minahal ako ng isang napakagandang babae na dati’y pinagpapantasyahan ko lang.

Maya-maya ay kumain na kami. Wala si Paula..bigla na lang umalis at di nag-paalam kahit kay Angelika. Ibig sabihin….kami lang ni Angelika ang nasa bahay.

Nilambing ko si Angelika habang kumakain kami. Binibiro-biro ko at parang bumalik na ang dati naming saya tuwing mag-kasama. Buti naman! Nagsusubuan pa kami ng pagkain. Sweet uli..o mas sweet ngayon. Salamat naman at ayos na kami!

Halos kakakain lang ng biglang dumating ang mommy ni Angelika. Nagulat ako pero di nagpahalata, syempre. Akala ko ay si Paula ang dumating…mommy pala nila. Mabuti na lang at saktong nasa lababo si Angelika at ako naman ay nakaupo pa sa kainan. Hindi niya kami inabutan na naghaharutan. Nagdala ito ng pagkain dahil akala daw niya ay wala pang pagkain sina Angelika.

Pinakilala ako ni Angelika na kaibigan. Kilala ako ng mommy nila..sa mukha lang. Binanggit niyang kabarkada ko sina Jeff, ang pinsan ni Angelika. Di lang niya ako dineretso, pero alam kong para na rin niyang sinabi na tambay ako kagaya ng pamangkin niya. Nakipag-usap na ako sa mommy niya..konting tanong sa ‘kin…konting kwento tungkol sa mga anak niya. Mabait ang mommy niya..at halatang may pagka-istrikta.

Dumating si Paula nang nagpapaalam na ako sa mommy nila. Di na kami nag-kausap. Masaya na rin ako pero kulang. Di ko nahalikan si Angelika bago umuwi..sayang! Di bale…

Pagkatapos ng ilang araw, tinawagan ako ni Angelika. Nagpasundo sa skul kasi maaga daw uwi nila. Sinundo ko agad at namasyal muna kami, syempre. Maniwala kayo at sa hindi..ngayon ko pa lang siya niyayang manood ng sine. Ayaw ko siyang yayain mag-sine hanggang hindi ko pa siya girlfriend. At hindi pa ako nakakapanood ng sine na may ka-‘date’.

Hindi pa kami pumapasok ng sinehan ay nakakaramdam na ako ng panggigigil kay Angelika. Sobrang ganda niya kasi sa suot niyang uniform. Blooming kasi di pa gaanong pagod dahil maaga pa. Bahagyang kumekendeng ang balakang habang lumalakad na humahatak sa paningin ng mga lalaki. Umakbay siya sa kin at ako naman sa bewang niya. May bahagya siyang pabango pero mas gusto ko o mas naamoy ko ang amoy niya..amoy babae! Shit! Bahagya na akong tinitigasan..amoy pa lang!

(To be continued…..)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s