My Angelika – Part IV

Lazada PhilippinesPart 4

Pinatong niya ang isang kamay niya sa dibdib ko at umunan sa isang bisig ko. Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Hindi rin siya umiimik. Tumahimik ang paligid. Nakatulog ako.

Nagising ako. Bahagyang nagulat at napag-isip ko agad na nasa nga kama pala ako ni Angelika. Nakita ko si Angelika..naka-uniform na at handa nang pumasok. Bakante ang kama ng ate niya at wala ito sa silid. Tumingin ako sa orasan. Almost 7am na.

Pinagmasdan ko si Angelika habang gahol na nag-aayos ng sarili. Basang-basa ang buhok…bagong paligo. Nalalanghap ko pa ang napakabangong halimuyak niya. Pinaghalong amoy ng sabon at amoy ng babae. Lalong siyang gumanda at lalong pumuti. Lalong kaaki-akit sa suot na uniform. Shit! Tumitibok ng malakas ang puso ko.

Nakatitig ako sa kanya. Wala pa rin akong masabi. “Gising na! Morning na..”..biglang sambit ni Angelika sabay lumigon sa akin. Ngumiti.

“Oo nga, e.” napilit ko rin ang sarili ko na magsalita. “Ang aga mo yatang nagising. Sana ginising mo na rin ako kanina…” dagdag ko.

“Hmmmm. Di na…”sagot niya habang naglalagay ng lipstick.

“Pwede ba akong mag-CR..?” nahihiyang tanong ko habang tumatayo ako.

“Sure. Why not.“ Sagot niya sabay turo sa isang maliit na pinto. May sariling CR sila sa kwarto. Akala ko ay bababa pa ako. Ayos. Nahihiya kasi akong bumaba baka makita ako ng ate niya o kaya ng mommy niya. “Thanks….” Sabay tinungo ko na ang CR.

Nung nasa CR na ako ay naalala ko na hindi ko naiayos ang sarili ko nung makatulog ako. Tanda ko ay nakababa pa nga ang pants at brief ko hanggang tuhod pero nagising ako na nakaayos na. Pati belt ay naka-ayos na rin. Nakaramdam ako ng konting tuwa at hiya rin dahil alam kong si Angelika pa ang nag-ayos non.

Paglabas ko ng CR ay sinalubong agad ako ng yakap at halik ni Angelika. Ang sarap talaga ng halik niya. Niyapos ko siya at gumanti ng halik.

“Bye na, baby!”sabi niya nang kumalas na siya sa pagkayakap sa akin. “I’m gonna be late na. Bahala na si ate. Alam na niya ‘to. Mam’ya ka na umalis pag naka-alis na mommy namin, ha.”

“Sige..bye! Ingat ka, baby” sagot ko na sa pakiramdam ko ay kulang. Gusto ko siyang kausapin pero parang natameme ako. Ibinato niya sa akin ang t-shirt ko sabay ngiti at kumaway.

Dala ang maliit na bag, lumabas na siya ng pinto.

Lumipas ang ilang sandali..mga kalahati o isang oras. Nakaupo lang ako sa kama. Paulit-ulit na inaala-ala ang nangyari kagabi. Biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako..nanatili lang ako sa pagkakaupo at wala akong nagawa kundi tingnan na lang kung sino ang nasa likod niyon. Pumasok ang ate ni Angelika, tawagin natin siyang Paula. Buti na lang na siya lang ang pumasok..naisip ko.

Bagong paligo si Paula…naka t-shirt na malaki. Kita ang maputi nitong legs. Di ko alam kung may shorts pa o panty na lang. May tuwalya sa balikat na siyang marahan niyang ipinupunas sa maigsi niyang buhok. Sumulyap lang siya sa akin, ini-lock ang pinto at umupo sa kama niya paharap sa salamin ng closet niya. Naka-sideview sa akin. Walang malisya akong nararamdam kahit naamoy ko ang bango niya at kitang kita ko ang mapuputing legs niya. Nahihiya ako kay Paula dahil sa inasal ko..o inasal namin ni Angelika kagabi. Di ako sigurado kung gising pa siya kagabi at alam niya ang mga ginagawa namin ng kapatid niya. Di ko alam kung boto ba siya sa akin para sa kapatid niya o hindi. Sa hiya ko ay di ako nagsasalita. (Believe it or not, Guys. Mahiyain talaga ako, he he)

“Paalis na si mommy. Don’t worry. Makakauwi ka na maya-maya lang” binasag na ni Paula ang katahimikan. “Pero kumain ka muna bago ka umalis.” Di siya tumitingin sa akin.

“Anong oras pasok mo.” Tanong ko na lang kasi wala akong mahagilap na sasabihin.

“Mam’ya pang hapon. About 2 ako aalis.” Sagot niya agad.

“Ang aga mo namang gumising.” Sabi ko na medyo nababawasan na ang hiya. “Dapat natulog ka pa. Di ka ba puyat?”

“Mas puyat yata kayo ni Angelika…”..medyo may tono na sabi niya. Di ako naka-sagot. Medyo napahiya ako.

May kumatok. Kinabahan ako. Agad tinungo ni Paula ang pinto. Ako naman ay marahang humiga sa sahig palapit sa ilalim ng kama ni Angelika. Binuksan ni Paula ang pinto.

“Aalis na ako. Dadaan muna ako sa kabila para tumulong maglinis doon. Di na kami gaanong nakapaglinis kagabi. Maraming tao.” boses ng mommy nila. “May pagkain pa dyan, di ba?”

Narinig ko ang paalis na yabag. Ini-lock uli ni Paula ang pinto at saka biglang tumawa nang mahina.

“Ha! Ha! Ha! Ang bilis mo naman..andyan ka agad!” ..pinagtawanan ako.

Napahiya ako. Tumayo na uli ako na medyo inis pero natatawa rin ako sa sarili ko.

Umupo uli ako sa kama. Tumahamik kami sandali. Bigla uling tumawa si Paula. Medyo malakas na. Natawa na rin ako. Nagtawanan kami. Nawala na ang hiya ko. OK pala si Paula..naisip ko.

Kumuha ng damit si Paula sa closet niya. Pumunta sa CR. Paglabas ay naka-bihis na ng simpleng pambahay. White t-shirt na may simpleng disenyo na tinernuhan ng simpleng at disenteng blue shorts. Disente siya kung manamit kumpara kay Angelika na laging naka-tight shirt and short.

“I think we can eat na now.” Medyo nakangiti na sabi niya sa akin. “Don’t be shy now, ha?! Hindi bagay sa ‘yo..After all….” Hindi niya tinapos ang sinasabi. Di ko mawari kung anong ibig niyang sabihin sa “After all..”. Ngumiti sa akin at lumabas na. Iniwang bukas ang pinto na alam kong ibig sabihin ay sumunod ako sa kanya. Bumaba na rin ako.

Maya-maya, dumulog na kami. Tahimik kami habang kumakain. Pakaunti-kaunti lang ang subo ko dahil nahihiya na naman ako ngayong kaharap ko si Paula. Casual lang ang kilos niya..at medyo marami nang nakakain.

“Mahiyain ka pala.”….umpisa niya. “Kumain ka pa..alam kong puyat ka at pagod.”

“Okey lang ako.” Sagot ko na medyo napatigil sa pagkain.

“Grabe..”…nakangiting sabi ni Paula. “Nakakapuyat kayong dalawa, ha….”

“Ha..??”..kinabahan ako at nahiya.

“I never had the chance to talk to her this morning. Nagmamadali na kasi, e. So, ikaw na lang muna kakausapin ko.”..walang gatol na sabi ni Paula. “About what happened kagabi, of course.”

Di ako nakaimik. Lalo akong nahiya at ninerbiyos. Shit! Sesermunan yata ako..lagot! Sa tono niya ay mukhang matalino siya at strict. Matanda pa ako sa kanya ng isang taon pero kung magsalita siya ay parang siya ang nakatatanda.

Sandali rin siyang tumahimik. Nag-isip.

Pero bahagya na siyang ngumiti nang mag-umpisa uling magsalita. “Alam mo, open kami ng Sis ko about things especially tungkol sa relasyon..sa mga boys…sa seks.”

“As far as I know, virgin pa si Angelika. I’m sure after last night ay hindi na.” ..tuloy ni Paula na walang pag-aalinlangan. Nakikinig lang ako. “I was wonderin…na….Nakakahiya man sabihin sa yo but…”lumunok siya at humarap sa akin. Pormal. Para naman akong estatwa na di gumagalaw.

“Tell me?” tanong ni Paula. “Virgin pa ba siya?”

“Ha?!”…gulat ako. “Anong ibig mong sabihin..?”..wala sa sariling nai-dugtong ko.

“I mean..i’m sure u can tell naman, di ba?!” medyo asiwa na sabi niya. “Ikaw ba ang naka-‘una’ kay Sis ko?….or she’s no longer virgin when you do her last night?”

Naintindihan ko na. Akala ni Paula ay talagang may-“penetration” ang ginawa namin kagabi ni Angelika. Hindi ko lang masabi sa kanya na sana nga ay may penetration.

“I just can’t believe it, really!”..si Paula uli. “I know she’s a little horny at times but matalino siya at malakas ang self-control. Matalino pa sa kin yan, kala mo ba?”

“Maybe she’s just so damn in-love with you..” sabi niya sabay titig sa mukha ko na parang gusto akong tunawin. “My Sis and I made a promise that we will retain both our viginity till the day we get married.”

Tumango lang ako.

“So, tell me….”tanong uli ni Paula. “Virgin pa ba siya before you do it last night?”

(To be continued…..)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s